Fix You


-

Sa bawat apak,
Sa bawat sulyap,
Ako'y napahinto,
At napatingin sa ulap.

Sa aking pagtingala,
Nang nasilayan ang mga tala,
Ang puso ko'y nabighani,
Sa isang kumakaway na kislap.

O, sinta, isa kang natatanging bituin,
Ako'y naging bihag sa iyong pagningning,
Napahinto sa paghakbang nang pinaliligiran ng dilim,
Ako'y umibig sa isang banaag sa unang pagtingin.

O, sinta, ika'y sinundan nang sinundan,
Habang nakatingala, ako'y lumukso nang lumukso,
Nagbabakasakali na kahit mangawit ang aking mga binti at braso,
Maaabot ko naman ang tanging bituin na pinagmamasdan ko.

Ngunit sa aking pagtangka, matapos kong tumingala,
Tinignan ko aking sarili,
Nagmasid ako sa aking mga paligid,
At ito ang aking napagtanto,

O, sinta, hindi ka maaaring abutin,
Na kahit ano mang landas ang aking tahakin,
Ikaw ay inilikha sa tuktok ng daigdig,
Ako ay inilikha sa lupa, ako'y napadaing,

Mapagbiro! Malaya akong pinalilibutan ng kalawakan,
Ngunit parang akong bihag na nakabilanggo,
Ikaw nga ang aking natagpuan,
Ngunit hindi kailanman tayo magtatagpo.

Kaya, dito sa lupa,
Muli akong titingala,
Sisilayan ang mga tala,
At magdadasal kay Bathala,

Na kahit ikaw ay bituin sa kalangitan,
Ako ay magiging diamante dito sa kalupaan,
Na kahit hindi tayo itinadhana ng kapalaran,
Ang ating sinag nalang ang magtatagpo sa kalagitnaan.


--

(Para sa performance task. First time :( wala akong mapaghugutan kaya si kras nalang muna)

Note-I


I know, you hate me.

I detested what you did.

But I never hated you.

Virginity



"Virginity ang pinakamagandang regalo na maibibigay mo sa mapapangasawa mo."

As a girl arriving yet to womanhood, I should agree to this. At first, I did, but am I the only one who thinks that this is getting a bit magnified?

Coming across this principle over and over has made me feel that it is not a principle I could wholly agree with anymore.

Oo, pinakamagandang regalo kasi iba parin yung ligaya na maibibigay mo sa asawa mo, na malaman niya na siya ang nakauna sa'yo. I agree with it. However, should just that itself be a standard to live for?

I've been encountering these discussions in person and social medias (noting the comments). Disappointed I am that every discussion about virginity leads to the principle that women must remain pure for men. 

I feel that the main essence or highlight of gauging a woman's body is perceived as a possession - an offering or a prize.  Kasi 'yang katawan mo ay pag-aalay lamang para sa iba. Na isang premyo 'yang pagiging pure mo. Na ligaya ang maibibigay niyan sa makakakuha sa iyo. At magbigay ligaya lamang sa iba ang tungkulin ng virginity mo.

Hindi rin ba dapat magsilbing isang fulfilment 'yan para sa iyo na natagpo mo na ang para sa'yo para ipagkatiwala yung sarili mo? That you have been able to conserve yourself this far, being able to achieve that it is not necessary to depend your body on a man to make you feel complete, (especially a man who does not serve as your better half) because you already are complete. Sex is just an extension of your entity.

Mas nangingibabaw kasi yung prinsipyo na kailangan mo maging malinis para sa ibang tao kaysa yung dapat mong ingatan ang sarili mo para sa kapakanan mo

Ano nangyare sa 'love yourself before others can love you' ?? :(

--

Mali naman din kasing isipin na kapag andyan na yung moment,

'Para sa iyo ang kepay ko! <3 <3 <3'. 'Nak ng pechay, hindi naman po pamigay ang kepay :(

It's just that I think sex is about bond. To tangibly connect. Sex is about uniting a man and a woman's flesh. To become one.

YOLO






YOLO [yoh-loh] Slang. 

'You Only Live Once'

"Ako? Hindi ko na iniisip mga ganyang bagay eh. YOLO nga kasi. You Only Live Once. Gawin mo na lahat ng gusto mo dito habang buhay ka pa."



Powered by Blogger.