YOLO

YOLO [yoh-loh] Slang.
'You Only Live Once'
"Ako? Hindi ko na iniisip mga ganyang bagay eh. YOLO nga kasi. You Only Live Once. Gawin mo na lahat ng gusto mo dito habang buhay ka pa."
Sa tanang buhay ko, sa internet ko lang na e-engkuwentro yang YOLO na isinasabuhay, isinasantabi o ikinasusuklaman ng mga taga-ibang bansa dahil sa kalaspagan nung salita.
"Yolo is supposed to teach you to enjoy life before you die. Now it's an excuse to be an idiot. I hate my generation so much now." (c)
Pero yung may nagmalaki sa'yo nung YOLO sabay angat ng dalawang palad na kamo proud na proud sa sarili at inexpand pa yung meaning nung abbreviation nung YOLO para may dramatic effect? Sarap buhusan ng ice blended drink para kahit papaano hindi lang ako magkaroon ng hustisya sa pagpapamukha sa'kin nung kapangyarihan ng YOLO, mabibigyan na rin ako ng pagkakataong gampanan muli ang tungkulin ni Lavinia Arguelles.
Achievement din yun uy. Kaso libre niya yun sa akin, sayang. Masarap pa naman. Hehe.
Ang biglang pagintindi kasi ng utak ko sa una kong pagkarinig, hindi mo na raw dapat pinag-iisipan ng mabuti yung mga gagawin mo. Serious si koya e. Ngunit sa isang iglap, napatitig ako sa malayo at napaisip, na parang siya ang gumanap ng tungkulin ni Lavinia Arguelles at ako ang tinapunan ng ice blended drink niya at ginising sa katotohanan.
Naisip ko yung sinabi niya at naunawaan.
May dalawa kasing klaseng tao: Yung mga may pakielam sa paligid at yung mga wala.
Nonetheless, it was his verdict. Bakit ko pa pinagkakaabalahan ilahad itong pahayag?
Kasi apektado ako. Isa ako sa mga taong laging pinagtutuunan ng pansin yung paligid at kinontra niya ang pagkatao ko.
Not that I'm saying that I get butthurt when there are oppositions. I was affected for the reason that I felt my individuality was disproved. Kasi 'yan ako.
I am one of those people who are afraid of failure, yet concurrently making them. That fear of failure which is a catalyst to leave us no choice but solely do what we fear or be hindered from trying.
Yet truth be told, we are not afraid of failure itself.
We are afraid of failure because of people.
But sometimes, too much awareness makes you forget your intuitions. It leads you to focus on thinking of what you should do, instead of what you feel to do.
Ayan ang ng yari sa akin. At naging third parent yung subconscious mind ko:
Hindi mo na dapat pinapakielaman yung masasabi ng ibang tao tungkol sa iyo.
Learn to differ noise from a voice.
Kung hindi naman nakakatulong o walang kabene-benefit yung mga sinasabi ng iba, bili ka earmuffs at ipagdasal sila. Ingay eh.
Ibig sabihin nun, hindi sila marunong magbigay ng constructive criticisms.
They can only give judgment of what they perceive without understanding the condition of what they observe.
And it is a pity how they are only capable of identifying mistakes without giving even the slightest effort to render what could be the solution.
Nevertheless, there are people who do correct the mistakes of others with a trace of mockery rather than just being concise, having only the intention to help.
Medyo may pagka-crab mentality. Medyo lang naman. Yung tipong tumutulong sila habang hinihila nila yung tinutulungan nila pababa.
---
"Dahil magagawa mo lang yan kapag buhay ka."
"Hindi mo kasi alam kung hanggang kailan ka aabot."
Sometimes, it is just better to let go and do what you feel to do. Kasi 'yan ang gusto mo. Hayaan mo silang manood sa mga gagawin mo. Audience sila, give them a good show.
At kapag binato ka ng kamatis, huwag mo lang bastang ilagan. Ipunin mo.
Oo ipunin.
At ipangsigang mo.
Iba parin kasi kapag ginagawa mo yung kung saan ka masaya. At kung magkamali ka man sa desisyon mo, oks lang yun.
Actual failure embodies the people who do not try in order to evade mistakes, not the ones who fail because they have ventured.
Ngunit, huwag tayo magpadala masyado sa damdamin. Lagi nating itatak sa isip kung makakasakit ba tayo ng ibang tao sa mga gagawin natin, kung may matatapakan tayong iba.
Kung oo, pagiging self-centered na yan.
Sahig lang ang tinatapakan.
Lagi nating itatak sa isip kung makakabuti yan for your mind, body and soul.
Kung hindi, ano ba yan, nagpapakatanga na nga tayo sa mga minamahal natin, pati ba naman sa pag l-love yourself magpapakatanga ka.
At kung wala naman,
Pak lang ng pak!
---
And so I nodded. Not for the reason of accepting his contradicting statement for respect.
I nodded because he is right.
